tayo sa sat...
I was just passing through, so I figured I'd leave my mark. Nice place you have here. I love the colors...
ibang klase ka palang malasing. ibang-iba ang epekto ng alak sa'yo. mabuti na lang at nandoon ako at nabantayan kita. pakiwari ko kasi, hahayaan ka lang ng ibang kasamahan natin at lalo ka pang pagkatuwaan. pero may kasalanan din ako, kasi hinayaan kitang malasing. kaya sinabi ko sa sarili ko: "kailangan kitang alagaan at bantayan."
nung medyo nakaramdam ka na na may tama ka na, umupo ka na at pinainom kita ng tubig na may yelo para mahimasmasan ka. minasahe ko din ang balikat at ulo mo. pero medyo makulit ka pa din at pumu-posing kapag nakakakita ng camera. dun ko din nalaman na nagmamanhid ang binti at paa mo kapag nalalasing ka. kaya't sinabihan kita na humiga na sa kama para mamasahe ko ang binti at paa mo, at para na din makatulog ka na, kasi nangungulit ka pa din sa mga kasama natin. habang natutulog na ang iba sa mga kasama natin sa kwarto, dahil sa pagod o di kaya dahil lasing din tulad mo, nagmistulang spa ang pwesto natin. mahigit isa't kalahating oras din ang naging session natin, dahil may ilang beses ka ding bumabangon at nakikipag-kulitan sa mga kasama nating gising pa, at ilang beses din kitang pinahihiga at pinatatahimik. nung kumalma ka na at tumahimik na ang paligid, narinig kitang bumulong: "bakit ang bait-bait mo sa akin? bakit mo ako inaalagaan? bakit mo ako pinagta-tiyagaan?" hindi ko alam kung yung alak pa rin ang nagsasalita nung mga oras na yun o nasa tamang pag-iisip ka na nun. pero napangiti na lang ako at ang sagot ko sa 'yo: "alam mo nang lahat ang sagot sa mga tanong na 'yan." pagkatapos nun, tuloy ang masahe ng ilang minuto. nung napansin ko na medyo nakakatulog ka na, tumigil na ako at binigyan kita ng goodnight kiss sa pisngi, kasi naalala ko nung isang beses nangungulit ka, nanghihingi ka ng goodnight kiss bago ka matulog.
itutuloy... or not